Thursday, November 10, 2011

Kambal part 1

Hoy Francis gising na may pasok pa tayo ng school!" pasigaw na sabi ni James sa kanyang kakambal. Sila ay hindi identical twins. Marami ngang nagsasabi na hindi sila parang kambal bagkus parang parang isa sa kanila ay ampon dahil sa magkaibang magkaiba sila ng pag-uugali at histsura.


Si James ang panganay sa dalawa. Ilang minuto kasi ang kanyang tanda kay Francis. Ito ang kwento sa kanila ng kanilang mga magulang. Kung titingnan ang hitsura ng dalawa, si Francis ang gwapo at matipuno ang katawan na kung saan pag sya'y Makita ng mga kababaihan ay laglag panty lahat pag sya'y ngumiti. Para kasing artista kung pumorma si James. lahat ng bagong labas na mga damit, lahat ng latest trend sa fashion ay kanyang binibili at isinusuot. Taliwas naman sa kanya si Francis.

Si Francis kasi ay simple lang kung manamit, ni hindi pumoporma. Kasi ang prinsipyo ni Francis ay sa buhay ay ang mabuhay lang ng simple at matiwasay. Ang dalawa ay anak ng mayaman na negosyante sa bansa. Pero hindi sila matapobre tulad ng ibang mayayaman na akala mo sarili nila ang mundo.


Tinuruan kasi sila ng kanilang mga magulang na maging mapagpakumbaba kahit na mataas ang kanilang estado sa buhay.
"Hoy Francis gising na bumangon kana sabay na daw tayo kay dad papuntang school," pangungulit ng panganay. Pareho na silang nasa college, 3rd year na sila. Ngunit magkaiba ang kanilang course. Si James ay Nursing ang kinukuhang curso, samantalang si Francis ay Engineering ang kinukuhang course.


"Eto na babangon na nga!" pasigaw na sabi ni Francis na may pagkairita sa kanyang kakambal.
"Talaga naman ang kakambal ko sarap pikunin. Gusto mo sabay na tayo maligo? Namiss ko na kasi yung mga bata pa tayo yung sabay tayong maligo tapos nagpapalakihan tayo.. hehehe.." sabi James. "Ulol! Ano ko hilo. Di tayo talo. Bakla ka ba James? Nakakaasar kana umalis kana nga!", sabay hagis ng unan kay James.


"HA HA HA sarap mo talagang pikunin. Pikon, pikon, pikon! Kambal naman tayo kaya di ba dapat di ka mahihiya saken? Bakla lang naman ang mahihiya na makisabay maligo sa mga lalake, kasi makikita kung pano nila ipitin ang kanilang ..." sabay takbo si James.


Bumangon na nga si francis at tumuloy na sa comfort room para maligo. "Anong kayang nasa isip ng kakambal ko? Naaamoy nya kaya na may pagkasilahis ako?" habang pumapatak sa katawan ni Francis ang tulo ng shower, lumilipad naman sa kawalan ang kanyang isip. Di nya lubos maisip kasi kung ano ang ibig ipahiwatig ng kanyang kakambal tungkol sa nangyari kanina. "Ano bang iniisip nya? Nahahalata na ba nya? Pero paano nya nahalata? ni wala nga akong kaibigan na dinadala dito.." ipinagkibit balikat na lang ni francis ang nangyari kaya matapos maligo ay nagbihis na ito ng kanyang uniporme at dumiretso pababa ng bahay.


Dadaanan nya sana ang kuya nya para yayain ng bumama. kakatokin pa lang nya sana ang pinto ng bigla itong bumukas at nabigla si Francis ng lumabas si James na nakangising aso. Para bang may ibig sabihin ang pagtingin niya kay Francis. Pero nagwalang kibo na lang siya at bumaba na ng hagdanan.
"Mom alis na po kami. sabay na kami kay dad pasok ng school." wika ni James. "sige mga jiho, mag-iingat kayo, James take care of your little brother, ikaw na bahala sa kanya." sabi naman ng maganda at sexy pa ring mommy nila na si Mrs. Rachel Monte Real.


"Okay hon, we'll go ahead. tara mga anak sakay na kotse." winika naman ng ama ng kambal. si Mr. Flores Monde Real ay ang CEO ng isang sikat at napakatatag na business sa Pilipinas. isa siya sa pinakamayamang negosyante. Dati rin syang laki sa hirap ng dahil sa kanyang pagsusumikap, naitayo nya ang shop All.  Isa sa naging matinding kakompetensya ng SM at iba pang mga shopping malls.


"Dad, may sasabihin ako sa iyo," wika ni James. "Tungkol saan?", tanong ni Mr. Flores. Biglang nanigas si Francis sa kinauupuan ng biglang magtanong si James sa ama. di nya alam ang gagawin kung ano ang gagawin. Kung paano sya magpapaliwanag tungkol sa nalaman ng kanyang Kuya. Kinakabahan sya sa mga oras na iyon ng magsalita na si James, "Wala dad, naisip ko lang kasi, kung bakit parang magkaiba kami ng mukha ng kambal ko. Naisip ko din kung sino ang kamukha ko. He he he.""Anak alam mo, di ba nursing ang course mo? di nyo ba napag-aralan yan? Di ba may dalawang uri ng twins? and identical at yung fraternal ba yun?" sabi ng ama. "alam ko yun dad, he sige wag nyo na lang intindihan ang napakawalang kwenta kong tanong." sabi ni james sa ama. "Francis, bakit mukhang tahimik ka dyan?


Ni hindi ka kumikibo? Masama ba ang pakiramdam mo?" tanong ng ama kay Francis. "No Dad. iniinip ko lang yung exam namin ngayon." Palusot naman ni Francis. "Ahh okay."


"Dad go ahead na kami." sabi ni James at ni Francis. Bye dad. wika ng dalawa.


Habang papasok ang dalawa sa campus, tilian na ang lahat ng mga babae, pati mga bakla. Kasi ba naman dumating na ang crush ng bayan ang kambal. Patay malisya lang ang dalawa at diretso sa kanilang klase.


"Francis, sabay tayo maglunch. Patay ka saken pag di mo ako hinintay." si James nagsabi. "OO na, wala naman akong magagawa, ikaw ang hari. Sige punta na ako sa klase ko."


Lutang pa rin ang isip ni Francis habang naglalakad sa pasilyo ng paaralan. Ni hindi nya napansin na kinakausap na pala sya ng best friend nya.


"OY! Ano ba yan di na namamansin! Galit ka ba? May problema ka ba? HOY, Francis!" at parang isang iglap muling na siyang bumalik sa  realidad. "Ikaw pala yan best friend. Kanina ka pa ba jan?"


"Hay Francis, ano ba kasing iniisip mo?"


"Kasi yung kambal ko parang nakakaamoy na sya na silahis ako. Haist i don't know what to do."


"Bestfriend okay lang yun. Hayaan mo lang, di pag nalaman go ka lang. wala naman syang magagawa. Wag mo ng isipin yun."


"Sige bestfriend salamat kasi anjan ka."


"Wala yun para saan pa ang pagiging best friend natin." Si Christian ang best friend ni Francis ay almost 8 years na nyang kasakasama.


Simula kasi nung first year high school ito na ang naging closed friend nya sa pinasukang pribadong eskwelahan ng mga mayayaman.


"Best di tayo sabay ngayon manananghalian kasi nakapangako na ako sa kambal ko na sabay kaming kakain. Ehh, ayuko naman kasi na mag-away kami. Baka dumating pa sa punto na ibuko nya ako kila mommy and daddy."
"Okay lang best friend. Basta keep smiling okay? Para di ka tumanda. Ay naalala mo si Kevin? Yung crush ko, nagtransfer sya dito. At takenote, magiging classmate pa ata natin. Ang saya naman di ba?"


"Best okay ka lang? Para ka dyang nakadrugs sa sobrang high ng dahil lang sa lalaking yun. Ikaw, papahalata ka na naman." biglang natulala si Francis ng makita nga si Kevin at panguso na itinuro kay christian ang lalake.


"Hi! Di ba ikaw si Christian? and you are? sorry di na ko na maalala ang pangalan mo pero natatandaan kita," sabi ni Kevin.
"Salamat naman Kevin at naalala mo ako, sya nga pala sya si Francis. Ohh, teka dito kana talaga papasok?"


"OO, kakatransfer ko lang, ito nga nahihilo pa ako sa room ko. Pwede nyo ba akong matulungan? Para naman mapadali ang paghahanap ko sa mga rooms. Irregular 4th year daw ako, kasi may mga subjects na hindi nacredit ehh."


"Ahh ganun ba?" wika ni Christian. "Sige hayaan mo kami ang bahala sa iyo dito, sasamahan ka namin." sabi ni Christian kay Kevin.At sinamahan na nga ng dalawa ang bagong transfer na kaibigan. Habang sa ilalim ng shade ng puno matalim ang tingin ni James kay Francis. Para bang may ibig ipahiwatig kay Francis. Bigla namang nanlamig ang pakiramdam ni Francis ng makita ang kanyang kambal na nakatingin sa kanya. Litong lito sya dahil di nya maipaliwanag kung bakit galit ang kanyang kambal ehh, sinamahan nya lang naman ang bestfriend nya at si Kevin.


"Bestfriend, una na ako may gagawin pa pala ako." Patakbong umalis si Francis para pumunta na sa kanilang classroom.
Pasigaw naman na sinabi ni Kevin kay Francis ang salitang "Salamat."


Naiwan na nga ang dalawa at sya ngayo'y nag-iisa na lamang na naglalakad papunta ng kanilang classroom. Pagtapat na pagtapat nya sa may  pinto ng silid, biglang tumunog ang kanyang cellphone.


Totot..totot..


James: sino yung kasama mo? bakit gala ka ng gala? ano ba yan, nagpapabaya ka ba sa pag-aaral? galit na tanong kay Francis mula sa text.


Replied: Di naman, sinamahan ko lang naman yung bestfriend ko. sorry wag mo akong isumbong kila mommy and daddy.


James: sige, sa isang kondisyon...


Replied: ano yun?


James: libre mo ako ng sine mamaya.


Replied: pero may pasok pa kami,..


James: libre o isusumbong kita kila mommy and daddy?


Replied: sige na nga.


James: sige 4pm sharp dapat dito kana sa may gate. atsaka pala yung lunch natin mamaya wag mong kakalimutan.


Replied: oo na.. wala naman akong mgagawa. pumasok na nga si francis sa silid. Ng sya'y makaupo na iyon naman ang pagdating ng bestfriend nya kasama si Kevin.


"Bestfriend, meet our new classmate in Advance Geometry." wika ni Christian.


"Bestfriend mukhang kinakareer mo ang pagiging tour guide. ha ha ha" pabulong na sabi ni Francis sa kaibigan.


"Di naman. Ikaw talaga kung anu-anong iniisip mo."


Lunch time na ng magtungo si Francis sa cafeteria at hinihintay si James.


francis: james asan kana? gutom na ako. ilang minuto bago nagreplied.


James: sweetheart, malapit na ako. naglalakad na papunta jan.


Francis: sweetheart ka jan. hoy James, wrong sent ka ata. Kambal mo ito, bilisan mo na nga mamatay na ako sa gutom baka kung ano pa ang makain ko dito.


James: ay, sorry bro, wrong sent nga, dapat kay kristine yun.. sie malapit na ako nasa likod mo na ako.


"Anong order natin?" sabi ni James.


"Kahit ano. basta masarap." at omorder na nga ang dalawa.


Kumain sila ng walang imikan, na para bang nagkakahiyaan sa isa't isa.


"Tapos na ako, una na ako, may assignment pa ako." sabi ni Francis.


"Sige bro, ingat ka na lang. Wag mong kalimutan ang usapan mamaya. humanda ka pag di ka dumating."


"Oo na, may magagawa pa ba ako..."


itutuloy..

1 comment:

  1. yung karugtong po nito di ko pa natatapos kasi mejo busy maglilipat ng bahay kuya ko kaya need ko muna xang tulungan thanks..

    ReplyDelete